KAHILINGAN NG VENDOR
ni Ramon B. Miranda
Trabaho namin ay simple at marangal,
Laging nasa kalye’t pag-unlad mabagal.
Hindi nagsasawa pag benta’y matumal,
Upang mabuhay lang aming minamahal.
Ngunit ano itong nangyayari sa ‘min?
Buhay naming vendor laging patawirin.
Maliit ang kita’t maraming pasanin,
Kinukurakot pa aming kakainin.
Hanapbuhay namin ay “eyesore” sa iba.
Kaya’t MMDA kami’y ginigiba.
Aming kabuhayan laging sinusuba,
Ng mga buwitreng tila’y naglipana.
Ang ating gobyerno masyadong mahigpit,
Lalo na sa aming mga malilit.
Pag hindi tumigil sa panggigipit
Dugo’t pawis namin sa inyo’y sasapit.
ANG ATING MGA VENDOR AY KATULAD NATING MALILIIT NA MAMAMAYAN, NABUBUHAY NG MARANGAL. NGUNIT BAKIT LAGING NASASALING ANG KARAPATAN? LAGI PANG BIKTIMA NG KARAHASAN SA LANSANGAN.
TumugonBurahin